Mhigit 14 na senador suportado ang ethics complaint labay kay Trillanes



Ayon kay Senator Richard Gordon, suportado ng mahigit 14 na senador ang isasampa niyang ethics complaint laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Gordon, ibabatay ang kanyang reklamo sa masama at nakakasirang lenggwahe laban sa kanya ni Trillanes.

Isa ring batayan ng reklamo ay ang pagtawag ni Trillanes sa Senate Blue Ribbon Committe ng komite-de-abswelto na pinamumunuan ni Gordon.


Binigyang-diin ni Gordon na  hindi gawain ng isang senador at labag sa code of ethics ang mga pahayag na nag-aabugado siya at si Sen. Tito Sotto pabor sa pamilya Duterte.


Ayon kay Gordon, mahigpit na ipinagbabawal ang acts o language na nakaka-offend o maituturing na unparliamentary sa loob ng Senado o sa anumang public institution.

Ang complaint laban kay Trillanes ay pwede itong masuspinde o kaya naman at mapatalsik bilang isang senador.



Source:  Radyo Inquirer
Mhigit 14 na senador suportado ang ethics complaint labay kay Trillanes Mhigit 14 na senador suportado ang ethics complaint labay kay Trillanes Reviewed by TrendStarNews on 5:57 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.