Nanay ni ‘Kulot’ umamin, panghoholdap ng taxi driver pinlano nina Carl Angelo at anak niyang si Reynaldo



Ayon sa naging pahayag ng nanay ng binatilyong kasama umano ni Carl Angelo Arnaiz na si Reynaldo 'Kulot' De Guzman, plinano umano ng dalawang bata ang panghoholdap.
Si Lina Gabriela ay nanay ni alyas Kulot ay nagbigay ng pahayag sa Radyo Inquirer at inamin nitong isang kaibigan ng kanyang anak na nakilala lamang sa pangalang ‘MJ’ na planado na ang panghoholdap ng magkaibigan.

Ayon sa nanay ay apat sana silang mga binatilyong manghoholdap ngunit umatras at umuwi na lang ang iba at hindi na sumama kay Carl Arnaiz.

Hindi naman naniniwala si Gabriel na magagawa ng kanyang anak na gumawa ng krimen, at hindi aniya sasama ito kung hindi niyaya ni Carl Angelo.

Nagbigay din ng pahayag si Marleo Bagcal, ang taxi driver na hinoldap ng binatilyo.

Kwento ng driver ay pinara siya ng binatilyo at nagpahatid ito sa Caloocan City noong araw ng Agosto 17,2017.

Isinalaysay ni mamang driver na napansin nito na tila bilasa at hindi mapakali ang binatilyo at nagulat na lamang ito ng tutukan siya ng baril at nagdiklara ng holdup.

Nung mga oras na iyon ay mabuti nalang ay may mga pulis na nahingian nya ng tulong.

"Pinutukan daw sila... Pinutukan sila e syempre anong reaksyon ng mga pulis natin? Nakipag-barilan na rin. Patay," kuwento ni Bagcal.

Nagbigay naman ng pahayag ang ama ni Carl Arnaiz. “Kasi nung time na yon, umalis ng mga alas dose ng gabi yan. Magmemeryenda lang." Saad ng ama.



“Puro kasinungalingan lang ho ‘yan kasi kilala ko anak namin. Hindi pala-layas ‘yan e" Dagdag nito.

“Ni minsan hindi pa siya nakarating ng ganoong kalayong lugar."

“Hindi namin sukat akalain na ganun mangyayari sa anak namin."

Lumabas sa forensic analysis ng Public Attorney’s Office na pinahirapan si Arnaiz bago pinatay base sa mga tama ng bala at bugbog sa katawan.



"Malalalim 'yung gasgas niya, mukhang kinaladkad ito at mukhang binugbog. Magang-maga 'yung kanyang mga mata. Meron din kami nakitang marka na siya ay pinosasan. Maraming marka ng posas,"




Source: 12
 
Nanay ni ‘Kulot’ umamin, panghoholdap ng taxi driver pinlano nina Carl Angelo at anak niyang si Reynaldo Nanay ni ‘Kulot’ umamin, panghoholdap ng taxi driver pinlano nina Carl Angelo at anak niyang si Reynaldo Reviewed by TrendStarNews on 3:14 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.