Trillanes, kusang nagbitiw bilang miyembro ng Senate Committee on Ethics



Kamakailan ay nagsampa ng reklamo si Senador Richard Gordon laban kay Senador Antonio Trillanes sa Ethics Committee ng Senador.

Ito ay matapos di umano magpakita ng masama at nakakasirang lenggwahe si Sen. Trillanes laban kay Sen. Gordon.

Mahigpit na ipinagbabawal ang acts o language na nakaka-offened sa Senado o matatawag na unparliamentary.

Tinawag ni Sen. Trillanes na komite-de-abswelto ang Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Gordon.


Dahil sa iringan o hindi pagkakaunawaan ng dalawang Senador, Ayon kay Sen. Trillanes ay upang hindi maimpluwensyahan ang kaso laban sakanya ay kusa na itong magbibitiw bilang miyembro ng Senate Committee on Ethics.


Ayon kay Trillanes, si Senador Franklin Drilon na umano ang pipili kung sino ang pwedeng ipalit sakanya.

Agad namang bumwelta si Trillanes kay Gordon at maghahain din ito ng ethics case laban kay Gordon sa mga “unparliamentary and unethical acts” nito bilang senador at pinuno ng blue ribbon committee.

Bukod dito ay pinagbantaan din nito si Gordon na ibubunyag ang mga katiwalian niya bilang chairman ng Philippine Red Cross.



Source:  Radyo Inquirer
Trillanes, kusang nagbitiw bilang miyembro ng Senate Committee on Ethics Trillanes, kusang nagbitiw bilang miyembro ng Senate Committee on Ethics Reviewed by TrendStarNews on 7:50 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.