Tatlong big-time supplier ng droga sa bansa, tinukoy ng PDEA



Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  director general Aaron Aquino, pinaka-makapangyarihan ang mga nasa likod ng pinagmumulan ng iligal na droga sa Pilipinas.
Tatlong malalaking grupo ang tinukoy ng PDEA, ito ay ang Sun Yee On, Hongkong Triad o 14K at ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na Bamboo Triad o Bamboo Gang.
Ayon sa report at pagaaral ng PDEA, napili ng tatlong grupong ito ang Pilipinas na bagsakan ng iligal na droga dahil umano magandang bentahan at transhipment point ang naturang bansa.

Madali umanong mailusot ang kanilang mga produkto papuntang Pilipinas dahil sa malalawak na karagatan sa paligid ng bansa.



Ani pa Aquino, nauwi na sa smuggling ng mga gawa na at hilaw pang sangkap ng droga ang mga drug triads, at sa karagatan na rin nila ito iniluluto.

Ito aniya ay dahil sa pagkakahuli at pagkakabuwag ng mga malalaking shabu laboratories kamakailan.

Dahil sa pagkakatuklas nito, hihigpitan at babantayan na ng PDEA ang mga paliparan at pantalan upang maagapan at maharang kaagad ang mga papasok na droga sa bansa.

Ang Sun Yee On Triad ay naka-base sa mainland China, at ang 14K at sa Hongkong habang ang Bamboo Gang naman ay sa Taiwan.



Source: Radyo Inquirer
 
Tatlong big-time supplier ng droga sa bansa, tinukoy ng PDEA Tatlong big-time supplier ng droga sa bansa, tinukoy ng PDEA Reviewed by TrendStarNews on 7:27 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.