Kiko sa pagkakaabswelto ni Faeldon: Gaguhan na talaga!



Kinwestyon ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pagkakaabswelto ni dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa P6.4 bilyon shabu shipment mula China.
Nasa 500 kilo ng shabu ang lumusot sa Customs kung saan dumaan pa ito sa green lane nitong Mayo. Naungkat sa pagdinig ng Senado na may Davao group ang umano’y may hawak nito.
Ayon sa mga pahayag ng senador, tila pinapanigan pa daw ng administrasyong Duterte ang pagkakasangkot sa droga ni Faeldon sa kabila ng kampaya nila sa ilegal na droga.

Sinabi nito na kapagkakampi ng administrasyon ay pinapalusot at kapag kalaban naman ay iniipit.


“Gaguhan na talaga! Kapag kakampi pinapalusot. Kapag katunggali iniipit,” sabi ng senador sa kaniyang Twitter account. “Akala ko ba galit sila sa droga?”

“Kapag maliit na tao at ilang gramo ng shabu pinapatay. Kapag tone-toneladang shabu pinapalusot. Peke ang drug war ng administrasyon na ito,” patuloy ni Pangilinan.

Ikinagulat din ng kaalyado ni Pangilinan na si Sen. Bam Aquino ang pagkakaabswelto ni Faeldon na isang masugid na taga-suporta ng pangulo.


"Kakaiba iyan. Sa aming pagdinig sa Senado, kitang-kita na hindi mangyayari ang pagpasok ng droga sa bansa kung walang kasabwat sa loob ng BOC. It takes two to tango," ani Aquino sa isang panayam sa radyo.

"Whether pinapasok iyan dahil kasangkot sila, o dahil sa corruption dahil nasilaw sila sa pera. Whatever the case, liable pa rin sila at kasama pa rin sila sa nagpasok ng droga sa bansa," dagdag ng senador.


***

Source:   philstar.com

Kiko sa pagkakaabswelto ni Faeldon: Gaguhan na talaga! Kiko sa pagkakaabswelto ni Faeldon: Gaguhan na talaga! Reviewed by TrendStarNews on 9:10 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.