Noynoy: "Parang lahat nang ginawa namin na pagmamabuti, parang mali kami"



Sa isang interview kay dating Pangulong Noynoy Aquino, itinanggi nito ang kumakalat na alegasyon na ang grupong Liberal Party (LP) ang nasa likod ng destabilisasyon o pagpapatalsik laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng dating Pangulo na dapat ay magmasid ang kasalukuyang administrasyon sa paligid at hindi dapat sa kanyang mga kaalyado ibintang ang sinasabing destabilization plot.
Ayon kay Noynoy, wala naman magpa-plano ng masama kung matagumpay at natutupad naman ng kasalukuyang administrasyon ang mga pangako nito na mapabuti ang Pilipinas.

"Sabihin na nating doon sa mga ipinangako, ‘di maintindihan ang sinasabi, eh… na nagki – create ng dissatisfaction. ‘Di sa’kin nagmumula ‘yun, baka dapat tumingin sila sa mga paligid." Ayon kay Aquino.


"Kamakailan nagkaroon ng pag – uusap ang mga miyembro namin, pati na ang mga kaalyadong grupo. Tapos, tinanong ko na, “Bakit ang tindi ng galit sa atin ng mga ‘to?” Dagdag ni Aquino.

Pagdidiin pa ng dating Pangulo na di hamak na maganda ang iniwan nya kumpara sa iniwan sakanya ng pinalitan nitong gobyerno.

"Sa totoo lang, ang mga iniwan namin sa kanila ay ‘di hamak na napakalaking ganda kesa sa iniwan sa’min." Ayon kay Aquino.


"Parang lahat nang ginawa namin na pagmamabuti dito, parang mali kami. Parang masama ang ginawa namin."

"Maalala niyo, ang dami kong tagumpay noong araw na, siya na mismo ang nagsabi diba? na iisa ang bangka natin, kailangan tayong matulong – tulongan para tayong mapabilis."

"Kaya paalala ko po sa lahat, na kami’y matagal nang nag – alok ng kung anon gaming maitutulong namin, handa kaming tumulong, politiko, iisa lang ang bansa natin."


***

Source:  dwiz882am.com
 
Noynoy: "Parang lahat nang ginawa namin na pagmamabuti, parang mali kami" Noynoy: "Parang lahat nang ginawa namin na pagmamabuti, parang mali kami" Reviewed by TrendStarNews on 7:26 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.