Opisyal at bomb expert ng NPA-CPP sumuko dahil sa hirap ng buhay sa kanilang kampo



Ayon sa ulat ng 71st Infantry Batallion ng Philippine Army, sumuko ang isang umano’y bomb expert na miyembro ng CPP-NPA sa lalawigan ng Compostella Valley.
Sumuko umano sa kanilang kampo ang NPA member na si Jomar Madalo Antolin, Alias Ka Raffy na miyembro ng NPA-Southern Mindanao Regional Committee.

Sinabi ng Armed Forces of the Philippines na si Antolin ang Vice Commander ng Milisyang Bayan Cluster Command na nag-ooperate sa Maco, Compostella Valley.

Inamin naman nito na ang kanilang grupo ang nasa likod ng pananambang at pagpatay sa lugar.

Inamin rin nito na ang kanilang grupo ay nangingikil ng revolutionary tax samantalang siya naman ang taga-gawa ng mga ginagamit na pampasabog tulad ng improvised explosive device at controlled landmines.

Sinabi ni Ka Raffy na dahil sa tindi ng hirap ng buhay sa kanilang kampo kaya ito sumuko sa otoridad.


***

 
Opisyal at bomb expert ng NPA-CPP sumuko dahil sa hirap ng buhay sa kanilang kampo Opisyal at bomb expert ng NPA-CPP sumuko dahil sa hirap ng buhay sa kanilang kampo Reviewed by TrendStarNews on 2:26 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.